Friday, February 03, 2006

Puyat (Sept 1996)

Ang ula’y tumatagaktak na sa labas
Kape ang naging tanging tagapagligtas
Ang tulugan ko’y naging mistulang Hudas
‘Sang mura’y muntikan nang maibulalas

Mga mata ko’y wala nang kasimbigat
Patiklop-tiklop at di man lang mamulat
Nananaginip. Naglalakbay sa dagat
Araw ay unti-unti nang sumisikat

Biglang nagising ng orasang maingay
Sa kagulatan ko’y umangat ang kilay
Napuna ang kaliwanagan ng bahay
‘Di na nagawa ang proyekto sa Soksay

Isipan ko’y bigla na lang nabulabog
Sa pagmamadali’y sa sahig nahulog
Pulang dugo’y umagos na parang ilog
‘Sang kakaibang kahimbingan ng tulog

0 Comments:

Post a Comment

<< Home